--Ads--

Pasok na sa Final Four ang Creamline Cool Smashers matapos talunin ang Akari Chargers sa knockout match sa FilOil Centre.

Ito na ang ika-20 semifinals appearance ng Creamline, na pinangunahan ni Alyssa Valdez na may 20 puntos.

Samantala, umabante rin ang Farm Fresh Foxies matapos talunin ang Nxled Chameleons sa straight sets, para sa kanilang kauna-unahang semis stint.

Makakasama nila ang PLDT High Speed Hitters at Cignal Super Spikers sa semifinals na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena.

--Ads--