Inaasahan ng karamihan ng bangko sa Pilipinas na panatilihin ang kanilang credit standards para sa negosyo at household loans ngayong taon, ayon sa Senior Bank Loan Officers’ Survey (SLOS) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sa survey, 87.7% ng mga bangko ang nagsabing hindi nila babaguhin ang credit standards sa unang quarter ng 2026, mas mataas kaysa 86% noong huling quarter ng 2025. Ang natitirang bangko ay nahahati sa 10.5% na nagtataya ng tightening at 1.8% na nagtataya ng easing ng standards.
Para sa business loans, 70.2% ng bangko ang inaasahang steady ang demand ngayong quarter, habang 28.1% ang inaasahang tataas at 1.8% ang bababa. Sa household loans naman, 79.5% ng bangko ang magpapanatili ng kasalukuyang standards, 12.8% ang magtitighten, at 7.7% ang easing.
Ang survey ay isinagawa mula Nobyembre 27, 2025 hanggang Enero 16, 2026, na may 58 sa 60 bangko ang sumagot, o 96.7% response rate.










