Sinorpresa ni pop star Ariana Grande ang kanyang mga tagahanga sa kanyang concert sa London matapos niyang anyayahan sa entablado ang kanyang Wicked co-star na si Cynthia Erivo para sa isang espesyal na duet.
Sa ikalawang show ng Eternal Sunshine Tour ni Grande sa London, magkasamang nagtanghal ang dalawa ng mga awiting “For Good” at “Get Happy/Happy Days Are Here Again.”
Sa Instagram, tinawag ni Erivo si Grande bilang kanyang “sweet sister” at “favorite person to sing with,” habang ipinahayag ang kanyang saya na muli silang nakapagtanghal nang magkasama.
Nagpasalamat din si Erivo kay Grande sa pagkakataong makapagbahagi ng entablado at sinabi niyang hindi niya malilimutan ang naturang gabi.
Samantala, sinabi naman ni Grande na labis siyang nagpapasalamat sa kanilang naging pagtatanghal at sa pagkakataong makasama muli ang kanyang kaibigan at co-star.
Kilala sina Grande at Erivo sa kanilang pagganap bilang Glinda at Elphaba sa Wicked at Wicked: For Good.
Samantala, inanunsiyo ni Grande nitong Agosto na magpapahinga muna siya matapos ang pagtatapos ng kanyang Eternal Sunshine Tour sa London sa Setyembre 1.





