--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng Kagawaran ng Pagsasala o DA Region 2 ang pagkakahuli ng ilang negosyante na nagbebenta ng mga Binhing may “Not for Sale Stamp” na pagmamay-ari ng pamahalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinumpirma ni  Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 ang pagkakahuli ng ilang posibleng dealers na nagbebenta ng mga binhi mula sa DA na ipinapamahagi bilang ayuda sa mga magsasaka sa ilalim ng Registry System for the Basic Sectors in Agriculture o RSBSA.

Ayon kay Regional Executive Director Edillo, nakipag-ugnayan ang kanilang tanggapan sa DILG, LGU, PNP at NBI upang matukoy ang Grupo o negosyante na posibleng nagbebenta ng mga binhing may NOT FOR SALE STAMP na ang mga biktima ay mga magsasaka.

Hindi muna ipinapalabas ang pagkakilanlan ng mga nahuling negosyante.

--Ads--

Aniya, dalawa ang nahuli sa Cagayan habang Isa sa Isabela.

Karamihan sa mga nakumpiskang binhi ay nagmula sa Region 3 habang ang iba ay mula sa Region 1.