CAUAYAN CITY – Binalaan ng Department of Agriculture Region 2 ang mga indibidwal na nasasangkot sa pagbebenta at pagbilii ng libreng binhi na ibinibigay ng Kagawaran ng pagsasaka o DA.
Una rito ay nagkaroon ng surprise raid ang mga kawani ng Cauayan City Agriculture Office sa tatlong Barangay sa Lungsod ng Cauayan kung saan nasasam mula sa warehouse sa Faustino, Cauaya City ang nasa 67 bags ng binhi na ipinamahagi ng libre ng DA.
Napag-alaman na ang mga nasamsam na binhi ay mula pa sa bayan ng Alicia at sa mga karatig na bayan ng Cauyan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rose Mary Aquino, Regional Director ng DA Region 2, kaniyang sinabi na ang mga nahuli ay blacklisted ng isang taon sa pagtanggap ng mga benepisyo mula sa kagawaran.
Aniya, isa sa mga nakikita nilang dahilan kung bakit ibinebenta ng ilang mga magsasaka ang mga binhi na ipinapamahagi sa kanila ay para sa karagdagang kita o maaring hindi nila gusto ang variety ng binhi.
Dagdag pa niya, na mayroon namang ilan na nakapag-tanim na bago pa magbigay ng binhi ang DA.
Ngunit ayon kay Dr. Aquino, maaari nilang huwag munang I-withdraw ang mga binhi kung sila ay nakapagtanim na at pwede nila itong kunin sa susunod na cropping.
Binalaan naman niya ang mga magsasaka na huwag bumili ng mga binhi mula sa DA dahil walang katiyakan kung ang mga ito ay bago ba o stock lamang na maaaring maka-apekto sa kalidad ng ani ng mga magsasaka.