CAUAYAN CTY – Mabibigyan ng libreng binhi ang mga magsasaka na napinsala ang mga pananim dahil sa tagtuyot bunsod ng kawalan ng ulan noong buwan ng Hulyo 2021.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Regional Director Narciso Edillo ng Departmen of Agriculture (DA) region 2 na ang mga nagtamo naman ng partially damage na umaabot sa 43,000 hectares ay makaka-recover dahil nasa vegetative stage.
Binanggit ni Ginoong Edillo na mayroon nang pondo para sa cloud seeding operation na hiniling nila sa kanilang central office noong kasagsagan ng tagtuyot ngunit nag-umpisa na ang tag-ulan at may mga nag-aani na ng tanim na palay.
Ayon kay Ginoong Edillo, nakipagpulong sila sa mga opisyal ng National Irrigation Administration (NIA) tungkol sa water elevation ng Magat Dam at sinabi na may sapat na imbak ng tubig at hindi na kailangan ang cloud seeding operation.
Hiniling din niya sa 2 kongresista sa ikalawang rehiyon na isponsoran ang pagsusulong ng panukalang Corn Tarrification bill para magkaroon din ng bahagi ang mga magsasakang nagtatanim ng mais mula sa buwis sa corn importation.
Ang region 2 aniya ay number one corn producer sa buong bansa at 23% ang kontribusyon sa corn production sa Pilipinas.
Interesado naman ang dalawang mambabatas kaya bibigyan niya sila ng intoduction background.





