--Ads--

Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang planong pagdadagdag ng base pay para sa military and uniformed personnel (MUP) na ipapatupad sa pamamagitan ng tatlong tranches sa 2026.

Sa isang video statement na inilathala sa kanyang mga social media account, kinilala ng Pangulo ang sakripisyo at dedikasyon ng MUP, lalo na sa panahon ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa.

Dagdag pa ng Pangulo, ang hakbang na ito ay bilang pagkilala sa walang sawang paglilingkod, dedikasyon, at husay ng mga tauhan ng MUP.

Kasama sa makikinabang sa dagdag sahod ang mga kawani mula sa Department of National Defense (DND), Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Corrections (BuCor), National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA)

--Ads--

Ang planong ito ay inaasahang magbibigay ng karagdagang suporta at insentibo sa mga uniformed personnel na patuloy na nagsisilbi sa bansa sa kabila ng panganib at hamon ng kanilang tungkulin.