Inaasahang tataas nang higit sa karaniwan ang singil sa kuryente ngayong tag-init dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sanhi ng tensyon sa Middle East, ayon sa Energy Regulatory Commission (ERC).
Ayon sa ERC, ang pagtaas ng shipping cost ng langis, coal, at natural gas, na pangunahing ginagamit sa mga power plant, ang magiging dahilan ng mas mataas na singil sa kuryente.
Batay sa pagtataya, posibleng umabot sa ₱2 hanggang ₱4 kada kilowatt-hour ang dagdag-singil simula Abril. Para sa isang household na kumokonsumo ng 200 kWh, maaari itong magdagdag ng hanggang ₱200 sa buwanang bill.
Maaaring ipatupad ang staggered increase kung masyadong malaki ang itataas, at may posibilidad ding suspindihin ang Wholesale Electricity Spot Market kung kulang ang suplay ng kuryente sa summer months.
Hinikayat ng ERC ang publiko na bawasan ang konsumo ng kuryente at isaalang-alang ang paggamit ng solar panels bilang alternatibo upang makatipid at makatulong sa suplay ng enerhiya.







