CAUAYAN CITY – Inihahanda ng Reina Marcedes Police Station ang kasong Murder o Pagpatay sa isang magsasaka na nakabaril at nakapatay sa kapwa magsasaka sa Turod, Reina Mercedes, Isabela.
Ang suspek ay si Salvador Lanuza, 58 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr Inspector Marlo Desipulo ang Deputy Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station, kasong murder ang isasampa laban sa suspek na si Rey Cortez, 44 anyos, may asawa at isa ring magsasaka at residente rin sa naturang barangay.
Nakitaan ng intensiyon ang suspek na patayin ang biktima.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya na pinagbibintangan umano ni Lanuza ang anak ni Cortez na nagnanakaw ng mangga.
Dahil dito ay sinaktan at sinuntok umano ni Lanuza ang binatilyong anak ng suspek kaya nagsumbong sa kanyang ama sanhi para magdala ng Cal. 38 baril at binaril sa dibdib ang biktima na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Inamin naman anya ng suspek na pinatay niya ang biktima.




