--Ads--

Isang 16-anyos na dalagita sa Rawalpindi, Pakistan ang binaril at napatay ng sarili niyang ama matapos tumangging burahin ang kanyang TikTok account, ayon sa pulisya.


Itinuturing ito bilang isang “honor killing,” at inaresto ang ama matapos nilang ipakitang tila pagpapakamatay ang insidente.


Ipinapakita ng kaso ang patuloy na karahasang nararanasan ng kababaihan sa mga konserbatibong bahagi ng Pakistan, lalo na kung hindi sumusunod sa inaasahang asal sa publiko at online.


Noong nakaraang buwan, isang 17-anyos na influencer rin ang napatay matapos tanggihan ang panliligaw ng isang lalaki.

--Ads--


Bagama’t popular ang TikTok sa Pakistan, lalo na sa kababaihang naghahanap ng kita at espasyo para magpahayag, madalas itong pagbantaan ng pamahalaan dahil umano sa “immoral” na nilalaman.