--Ads--

CAUAYAN CITY– Nakakulong na ngayon ang isang lalaki makaraang hipuan sa maselang bahagi ng katawan ang 13 anyos na dalagita na katabi sa biyahe.

Nahaharap sa kasong paglabag sa acts of lasciviousness in relation into Republic Act 7610 o Child Abuse ang isang 52 anyos na residente ng Reina Marcedes, Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Sr. Inp. Esem Galiza pinuno ng women and children protection desk ng Cauayan City Police Station na sumakay pampasaherong bus sa Lunsod ng Baguio ang biktima at suspek

Ayon kay Sr. Inp. Galiza galing umano sa Baguio City ang dalawa kasama ang kanilang mga kasamahan sa relihiyon para umano sa isang fellowship subalit nang makarating na sila sa Cauayan City ay naramdaman na umano ng dalagita na hinahawakan ng suspek ang kanyang maselang bahagi ng katawan

--Ads--

Nagsumbung ang dalagita sa kanyang tiyahin na agad namang kinompronta ang suspek at kaagad inereklamo sa PNP.

Nakakulong na ngayon ang suspek na mariing itinatanggi ang paratang at sinabing nakatulog lang siya at aksidente lang na nahawakan ang maselang bahagi ng katawan ng dalagita.