Nabigo ang dalawang indibidwal na nagparehistro sa Commission on Election (COMELEC) para sa darating na Barangay Sangguniang Kabataan Election (BSKE) matapos mapag-alaman na rehistrado rin ang mga ito sa isang lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Leth Badua, ang Election Assistant 2 ng COMELEC Cauayan, sinabi niyang ipinatawag na nila ang dalawang indibidwal na nagparehistro sa lungsod upang magpaliwanag hinggil dito.
Aniya, nakausap na nila ang isa sa mga ito na itago sa Alyas Jana na ginamit ang pangalan ng kanyang kaibigan sa kanyang aplikasyon.
Isa sa pinagtataka ng COMELEC mayroon itong National ID na ang pangalan ay sa kanyang kaibigan ngunit mukha niya ang nakalagay.
Paliwanag ni Jana, noong kumuha umano siya ng National ID ay hindi na siya pinagpasa ng anumang attachment at nag-fill out lamang sa form.
Ito rin daw ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng naturang ID na ang pangalan ay kanyang kaibigan. Dagdag pa niya, taga Mindano umano ang kanyang kaibigan at patay na rin ito.
Dahil dito, ipapasa ng Comelec Cauayan sa bubuuing electoral board sa diskwalipikasyon niyang makaboto sa lungsod ng Cauayan.
Hinihintay naman ng COMELEC ang pagpunta ng isa pa sa mga registrant para kaniyang magiging pagpapaliwanag.
Ayon sa COMELEC, hindi na nakakaludot ngayon ang mga double registrant, dahil sa automated fingerprint Identification System o AFIS nito.
Ayon kay Badua, hindi agad nadedetect ang mga double registrant dahil ipinapadala nila ito sa central office para sa verification ng lahat ng aplikante.










