--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang dalawang indibidwal matapos ang ikinasang Anti-illegal Drug Buy-Bust Operation ng mga otoridad sa Purok 5 Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office kinilala ang mga suspek na sina alyas “Tibung” na isang Street Level Individual at alyas “Simang” na isang Newly Identified.

Sa pangunguna ng PNP Isabela at sa koordinasyon sa PDEA RO2 nasamsam sa mga suspek ang  isang piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust stuff), dalawang (2) piraso ng nakaselyong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu (possession), ilang mga non- drug items at isang motorsiklo.

Kauganay dito ay nakatakas naman ang dalawang pang suspek na kinilala bilang alyas “Iko” at alyas “Rom” na parehong Newly Identified. Sa ngayon ay nagsasagawa ng hot-pursuit operation ang mga kapulisan ng Ilagan City Component Police Station.

--Ads--

Dinala sa himpilan gn pulisya ang dalawang indibidwal na naaresto na nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.