SA JONES, ISABELA – Dalawang lalaking kabilang sa street level individual ang inaresto ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay Dibuluan.
Ang mga inaresto ay sina Ronel at Arnel kapwa residente ng Papan West at Papan East, Jones, Isabela.
Nakuha sa mga pinaghihinalaan isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na 0.5grams, na nagkakahalaga ng tatlong libong piso at ang buybust money.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMajor Felixberto Lelina, hepe ng Jones Police Station na mahigit dalawang buwan nilang sinubaybayan ang dalawang pinaghihinalaan na drug surrenderee noong 2016.
May nagpaabot sa pulisya na nagbebenta ng droga ang dalawa sa bayan ng Jones, Isabela kayat nagsagawa sila ng buybust operation.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawang nadakip.
Inihayag naman ng dalawang suspek na nagulat sila nang parahin ang kanilang sasakyan dahil galing lamang umano sila sa Lunsod ng Santiago para bumili ng piyesa.
Mariing itinanggi ng dalawa na galing sa kanilang ang mga nasamsam na droga.