--Ads--

Sugatan ang isang lalaki matapos araruhin ng minamaneho nitong truck ang nakaparadang dump truck na bumangga naman sa ilang mga motorsiklo maging sa isang gusali sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang nasugatang tsuper ng Truck na si Allan Rivera na residente ng Cabatuan, Isabela habang ang driver naman ng nabanggang dump truck ay si Sacarias Darbin na residente rin ng naturang bayan.

Base sa salaysay ni Darbin, papunta na aniya siya sa Cauayan Proper nang naisipan niyang huminto saglit para umihi.

Papalabas na aniya siya sa kinalululanan niyang truck nang bumangga sa kaniyang likuran ang isang dump truck dahilan upang maitulak ang kaniyang sasakyan at sumasadsad sa isang building.

--Ads--

Nadamay din sa nasabing aksidente ang apat na motorsiklo na noon ay nakaparada din sa lugar.