Kasama si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan sa mga respondent sa kasong plunder na inihain ng National Bureau of Investigation (NBI).
Ito ang Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ).
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez nitong Lunes, kabilang si Bonoan sa parehong kaso kung saan respondent si Senador Jinggoy Estrada.
Tinutukoy aniya ng reklamo ang umano’y ill-gotten wealth na mahigit P50 milyon mula sa serye ng transaksyon, at hindi lamang sa iisang proyekto o lugar.
Wala pang itinakdang iskedyul para sa preliminary investigation dahil nakabinbin pa ang pagbuo ng panel of prosecutors na hahawak sa kaso. Wala rin aniyang subpoena na inilalabas hangga’t hindi pa pormal na naitatalaga ang panel.








