--Ads--

Hinatulan ng minimum na 40 taong pagkakakulong si Duane Davis, dating lider ng gang sa Los Angeles, kaugnay ng pagpatay sa rapper na si Tupac Shakur noong 1996.

Ayon sa paglilitis, inutusan umano ni Davis ang pamamaril matapos bugbugin ng mga kasama ni Shakur ang kaniyang pamangkin sa isang casino sa Las Vegas.

Noong Setyembre 7, 1996, binaril si Shakur habang sakay ng BMW nang lapitan ito ng isang puting Cadillac sa isang intersection. Namatay ang rapper makalipas ang anim na araw sa edad na 25.

Si Davis, na dating lider ng South Side Compton Crips, ay dati nang nagsalita tungkol sa pagkakasangkot sa krimen sa mga libro at panayam, ngunit itinanggi ito nang humarap sa paglilitis.

--Ads--