Kasabay ng pagpanaw ni Pope Francis sa edad na 88, ang atensyon ng Vatican ay nakatuon ngayong sa posibilidad ng isang bagong Conclave.
Magsisimula ang tradisyunal na 9 na araw ng pagluluksa na tinatawag na Novendiale. Pagkatapos nito, magtitipon ang College of Cardinals sa Sistine Chapel upang magsagawa ng conclave para pumili ng bagong papa.
Ang Conclave ay ang pagtitipon ng College of Cardinals upang pumili ng bagong Santo Papa mula sa kanilang hanay.
Sa kasalukuyan, 138 sa 252 na mga Cardinal ang may karapatang bumoto, at kinakailangan ng 2/3 ng boto upang mahalal ang susunod na Santo Papa.
Ang kumpirmasyon ng kanilang desisyon ay tradisyonal na ipinapahayag sa pamamagitan ng puting usok mula sa tsimenea ng Sistine Chapel.
Kabilang sa anim na itinuturing na malalakas na kandidato o “papabili” na posibleng humalili bilang pinuno ng Simbahang Katolika ay si Former Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle, Cardinal Pietro Parolin,Cardinal Wim Eijk,Cardinal Fridolin Ambongo Besungu, Cardinal Peter Erdo at Cardinal Raymond Burke.











