--Ads--

Image result for shooting incidentCAUAYAN CITY – Patay ang isang magsasaka na dating miyembro ng Philippine Army makaraang pagbabarilin sa San Pablo, Isabela.

Ang biktima ay si Ireneo Duran, 50 anyos, may-asawa, at residente ng Barangay Binguang  San Pablo, Isabela.

Sa imbestigasyon ng San Pablo Police Station, ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Cabagan, Isabela nang siya ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek gamit ang isang Cal. 45 na baril.

Agad na tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay ideneklarang dead on arrival sa Milagros District Hospital sa Cabagan, Isabela.

--Ads--

Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya ukol sa nasabing krimen.