--Ads--

Nasagip ng mga awtoridad ang apat na menor de edad sa isinagawang entrapment operation sa Barangay Victoria, Alicia, Isabela gabi noong Abril 7,2026.


Sa impormasyon ng Isabela Police Provincial Office, natukoy ang mga biktima na sina alyas “Kikay” at “Ann” na 15-anyos at sina alyas “Princess” at “Aya” na 16-anyos.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Erika,” 39-anyos, na umano’y manager o may-ari ng resto bar kung saan isinagawa ang operasyon.


Sanib pwersa na isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Alicia Police Station, PIU/PDEU, 2nd PMFC at WCPD Isabela at MSWD Alicia katuwang Regional Anti-Child Exploitation and Trafficking Task Force 2.

--Ads--


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Alicia Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9208 na inamyendahan ng Republic Act 10364 o Anti-Trafficking in Persons Act.