--Ads--

Inamin ni dating Presidential Communications Office (PCO) Secretary Trixie Cruz-Angeles na ilang Pinoy vloggers ang dumalo sa seminar sa China.

Ayon kay Angeles, ang lahat ng ginastos para sa nasabing seminar ay kinober ng Chinese government.

Ang pag-amin ay ginawa ni Angeles sa Tri Comm hearing matapos ipakita ni Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez ang isang litrato ng mga dumalo sa National Radio and Television Administration (NRTA) of China seminar kung saan kasama ang dating kalihim at pro-Duterte vloggers.

Hindi naman itinaggi ni Angeles ang seminar at kinilala nya ang mga nasa litrato na kanyang kasama, aniya, ang sponsored seminar ay naganap noong May 23 hanggang June 5, 2023 sa China.

--Ads--

Kinumpirma ni Angeles na ang gastos sa travel, accommodation at seminar ay binayaran lahat ng China at ang layunin nito ay ipakita sa mga dumalo ang mga bagong trend sa social media.

Itinaggi naman ni Angeles na nagkaroon ng impluwensya sa kanyang mga content ang pagdalo nya sa seminar.

Inamin din ng pro-duterte vlogger na si Mark Anthony Lopez na kasama siya sa seminar at dito niya mas nalaman kung paano gumagana ang media sa China.

Dumepensa naman si Lopez sa pagsasabing ito lamang ang China-sponsored seminar na kanyang nadaluhan.