--Ads--

Pinabulaanan kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang disinformation na umiikot ngayon sa social media hinggil sa paalala sa publiko na hindi makakaboto kung walang dalang national identification card o ID.

Partikular na tinukoy ang isang post na nagsasaad ng “Public Advisory: NO NATIONAL ID NO VOTE, BRING YOUR National ID on May 12 mandatory”.

Aniya, ang graphics na kumakalat ukol sa pagdala ng National ID upang makaboto sa May 12, 2025 National and Local Elections ay hindi totoo at hindi galing sa tanggapan ng Comelec, at hindi ipinost sa official at verified social media channels ng Comelec sa alinmang social media platform.

Ayon kay Comelec spokeperson Atty. John Rex C. Laudiangco, hihingan lang na magpakita ng valid ID ang botante kung sakaling hindi matiyak ang kanilang pagkilanlan.

--Ads--