--Ads--
Kinumpirma ng prosekusyon sa impeachment trial na si Jaime Tan Cruz, na lumilitaw ang pangalan sa mga dokumento ng ilang negosyong iniuugnay kay Vice President Sara Duterte, ay siya ring itinalagang special envoy to China for trade and investments ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.
Ayon sa prosecution lawyer na si Erwin Matib, siya rin ang inalok noon ni dating Pangulong Duterte na maging chairman ng Philippine Health Insurance Corp. o PhilHealth, ngunit tinanggihan niya ang posisyon.
Unang nabanggit sa impeachment trial ang ugnayan ni Cruz sa dating pangulo habang sinusuri ng Senado ang mga business interest ni VP Sara.











