--Ads--

Umabot na sa 1,430 ang kumpirmadong nasawi matapos yanigin ng dalawang malalakas na lindol ang Venezuela, ayon sa pinakahuling ulat ng mga awtoridad.

Tinatayang nasa 51,000 katao naman ang nananatiling nawawala habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga lugar na matinding naapektuhan ng sakuna.

Patuloy na nakikipaglaban sa kakulangan ng pagkain, malinis na tubig, at pansamantalang matitirhan ang libu-libong residente na nawalan ng tahanan dahil sa lindol.

Gayunman, nahaharap ngayon sa batikos ang pamahalaan ng Venezuela matapos igiit ng ilang mga nakaligtas na hindi sapat ang natatanggap nilang tulong at tila napabayaan sila sa gitna ng krisis.

--Ads--

Ayon sa ilang residente, mabagal ang pagdating ng ayuda at limitado ang akses sa mga pangunahing pangangailangan sa mga apektadong komunidad.

Sa kabila nito, tiniyak ng pamahalaan na nagpapatuloy ang kanilang relief at rescue operations katuwang ang mga lokal at internasyonal na humanitarian organizations upang maabot ang lahat ng nangangailangan ng tulong.

Patuloy namang umaasa ang mga pamilya ng mga nawawala na may mga maililigtas pa habang nagpapatuloy ang paghahanap sa ilalim ng mga gumuhong gusali at iba pang lugar na sinalanta ng lindol.