Itinuturing ngayon ang Pilipinas na may pinakamataas na panganib na hindi makabayad ng utang sa buong Asya, ayon sa ulat ng Oxford Economics nitong Setyembre 10.
Nakapagtala ang bansa ng 4.5 risk score mula sa 10, pinakamataas sa 12 Asian economies. Pangunahing dahilan nito ang limitadong fiscal at monetary policy space, kasunod ang trade deficits, institutional risks, at kahinaan sa banking sector.
Sumunod sa Pilipinas ang India at China, habang pinakamababa ang panganib sa Japan, Singapore, South Korea, Hong Kong, at Taiwan.
Ayon kay Oxford Economics lead economist Alexandra Hermann, posibleng magpatuloy ang bahagyang easing sa rehiyon hanggang 2026 dahil maraming bansa ang hindi umaabot sa growth targets.
Para sa Pilipinas, binaba na ang growth target para sa 2025 sa 5.5–6.5% mula sa dating 6–8%, matapos makapagtala ng 5.4% GDP growth sa unang kalahati ng taon.
Inaasahan ding bababa pa ng 25–75 basis points ang policy rates ng Bangko Sentral ng Pilipinas hanggang unang bahagi ng 2026, matapos ang serye ng rate hikes noong pandemya.











