Target ng Department of Agriculture (DA) na mapababa ang presyo ng karneng baboy sa P60 hanggang P120 sa kada kilo.
Ayon sa DA, bumubuo na sila ng revised plan para mabili ang karneng baboy sa mas murang halaga matapos na bawiin ang maximum suggested retail price.
Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, na posibleng maging P340 hanggang P380 ang magiging presyo ng karne na ngayon ay umaabot sa P450 sa kada kilo.
Balak din nilang bawasan ang mga middleman alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung kaya nakipag-uganayan na sila sa FTI para direktang makabili, makapagkatay at mai-deliver sa mga retailer ng mas mura ang baboy.
Samantala, huling option naman ng DA ang importasyon ng karneng baboy upang mas maibaba ang presyo nito sa mga pamilihan.










