--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinimok ng Deped Isabela ang mga magulang, mag-aaral at kanilang stakeholders na makibahagi sa Brigada Eskwela 2024 na magsisimula na ngayong araw.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Schools Division Superintendent Dr. Rachel Llana ng Schools Division Office o SDO Isabela sinabi niya na ang Brigada Eskwela ay isang nationwide program kung saan lahat ng mga community ay nagtutulungan upang linisin at isaayos ang mga eskwelahan bago ang pagsisimula ng klase.

Ang Brigada Eskwela 2024 ay itinakda ngayong ikadalawamput dalawa hanggang ikadalawamput pito ng Hulyo.

Sa loob ng anim na araw ay tulung-tulong ang mga magulang, alumni, mga organisasyon, student volunteers at mga guro sa clean up drives at pagrepair sa mga classrooms.

--Ads--

Ang tema ng brigada eskwela ngayong taon ay Para sa Matatag na Paaralan.

Hinikayat naman ni Dr. Llana ang mga magulang at mag-aaral na makibahagi at makibayanihan sa Brigada Eskwela upang matiyak na malinis at ligtas ang paaralang kanilang papasukan.

Aniya boluntaryo ang pakikibahagi sa Brigada Eskwela na sisimulan ng mas maaga bagamat ang kickoff nito sa Isabela ay isasagawa sa alas otso ng umaga sa Dagupan Elementary School sa Alicia, Isabela.

Kahapon ay pinangunahan ni Newly appointed Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo Angara ang kick-off ng Brigada Eskwela 2024.