--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot na sa 98.73% ang kahandaan ng Department of Education (DepEd) Isabela sa pagbubukas ng klase sa October 5, 2020.
inihayag ni Education Program Supervisor in English Jay Gallegos ng DepEd-Isabela na aabot sa 304,388 enrollees sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Isabela.
Sinabi pa ni Ginoong Gallegos na mula sa isang 1,400 na paaralan sa buong Isabela ay 812 na ang sumasailalim sa modular distance learning.
Sinabi pa ni Ginoong Gallegos na umaabot na rin sa 90% ang natapos nang learning modules ng mga paaraalan at patuloy ang kanilang printing upang maipamahagi sa mga mag-aaral bago magsimula ang klase.
--Ads--
Malapit na ring matapos ang training ng mahigit 10,000 na guro sa Isabela.




