--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Lt. Col.  Rembert Baylosis,  ang Batallion Commander ng 17th Infantry Batallion (IB) ng Philippine Army na hinarass ng mga miyembro  New People’s Army (NPA) ang isa nilang detachment sa Barangay Adaoag,  Baggao,  Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan,  sinabi ni Lt. Col. Baylosis na naganap ang pagpapaputok ng baril ng mga hinihinalang miyembro ng NPA dakong 7:00 kagabi.

Aniya, nang mapadaan ang tinatayang  5 rebelde  sa patrol base ng Civilian Armed Forces  Geographical Unit (CAFGU) ay nagpaputok ang mga NPA.

Pinatotohan din ng opisyal na wala namang nasugatan sa panig ng militar at patuloy nilang kinukumpirma kung may nasugatan sa panig ng rebeldeng grupo.

--Ads--

Pinawi ni Lt.  Col Baylosis  ang pangamba ng publiko kaugnay sa nasabing insidente at sinabing mahina   ang puwersa ng NPA sa kanilang nasasakupan.