CAUAYAN CITY-Hindi na mahirap para sa Department of Information and Communication Technology – Isabela ang magbigay ng libreng internet sa mga Geographically Isolated Disadvantage Areas o GIDA sa lalawigan.
Dahil ito sa mga sattelite disk na maaring maghatid ng internet sa mga liblib na mga bayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Bryan Tomas, System Analyst 2 ng DICT Isabela, sinabi niya na bagaman mas reliable ang mga cable internet para sa mas mabilis na koneksiyon online, ginagamit nila ang mga sattelite disk para sa mga lugar na malayo na sa kanilang opisina.
Paraan ito para matugunan ang mga hiling ng mga munisipalidad na magkaroon ng Internet connection.
Sa kasalukuyan, ang bayan ng San Mariano at San Guillermo ay kabilang sa mga lugar na mayroon ng sattelite disk internet connection.
Ayon pa kay Ginoong Tomas, mas flexible ang nabanggit na internet connection dahil kahit nasaang dako ay maaaring magkakaroon ng access.
Subalit giit niya, mas mabilis din na magkaroon ng internet interruption lalo na kung mayroong sama ng panahon






