--Ads--

Maglalagay ang gobyerno ng internet access sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa partikular sa malalayong lugar para mas mapahusay pa ang pagtuturo sa mga estudyante.

Ang anunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ginawa matapos inspeksyunin ang “Brigada Eskwela” sa Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan.

Ayon sa Pangulo, nakita nito ang software ng Khan Academy gamit ang Starlink para sa internet connection at nais nitong magkaroon ang iba pang mga paaralan sa bansa.

Sinabi pa ng Pangulo na nagagalak siyang mayroon ng teknolohiyang katulad ng Starlink kaya titingnan ito ng gobyerno para may magamit ang mga estudyante sa pasukan.

--Ads--

Aminado naman ang Presidente na kulang ang mga teacher sa bansa, kaya pinag-aaralan na rin nila ni DepEd Secretary Sonny Angara na bawasan ang administrative duty na binibigay sa mga guro.