--Ads--

Siniguro ng Department of Information and Communication Technology na ligtas sa pandaraya  ang mga dokumento na may digital signature mula sa bawat ahensiya ng pamahalaan.

Ito ay dahil sa mas pinalawig na screening sa mga opisyal at opisina na kumukuha ng digital signature

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DICT Isabela Provincial Officer Cirilo Gazingan Jr. sinabi niya na kinakailangang dumaan sa screening ang bawat opisyal ng pamahalaan kung saan kukunin ang kanilang mga impormasyon bago bigyan ng digital signature.

Sakaling mabigyan, kakailanganin din na mainstall sa mga device ng mga ito ang software upang gumana ang mga lagda.

--Ads--

Dito ay makikita kung anong araw, oras at petsa kung kailan napirmahan ang isang partikular na dokumento gamit ang digital signature.

Hindi ito pwedeng gayahin ng sinoman dahil sa feature nito na mayroong hidden information sa bawat lagda.

Ayon sa opisina, kung sa mga electronic signature ay madali lang kopyahin at gayahin, ang mga digital signature ay hindi kailanman pwedeng gamitin ng kahit sinoman maliban sa mismong may ari nito.

Mayroon din kasi itong password para mailagay ang Digital Signature sa isang electronic file bukod pa sa mga hidden information na nakapaloob dito.

Sa pagpunta ng news team sa DICT Isabela, personal na ipinakita ng Provincial Officer ang sistema ng pagkakaroon ng digital signature.

Dito ay talagang makikita kung gaano kasecure ang bawat dokumentong nilalagyan ng Digital signature ng isang partikula ng ahensiya.

Nagkaroon din ng pagkakataon ang Bombo Radyo News Team na makita kung papaano ginagawa ang pag apruba sa isang letter kahit pa ang mga personnel ay mula sa Batanes, Cagayan at Nueva Vizcaya.

Kasunod nito, masaya ring ibinida ng DICT Isabela ang patuloy na monitoring ng ahensiya sa mga Government Agencies.

Ito ay upang maiwasan ang cyber-attacks sa bawat ahensiya at maprotektahan ang mga importanteng dokumento.