CAUAYAN CITY – Naiiwasan na ang mga nagaganap na maanomalyang transaction sa Land Transportation Office o LTO matapos isailalim sa digitalized ang mga transaction sa naturang tanggapan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Asst. Regional Director Manny Baricaua ng LTO Region 2 na Lahat ng transactions ay automated na at nabawasan na ang human intervention.
Ang mga stakeholders ay naka-connect na sa LTO at ang kanilang programa na Drivers Education pangunahin na sa ipinapatupad na Theoritical driving course at practical driving course maging ang medical ay inter-connected na at kanila nang ini-enhanced.
Magmula noong digitalized na ang transactions sa mga tanggapan ng LTO ay naiiwasan na ang mga maanomalyang transactions tulad sa insurance na maaring ipagbali ng hanggang limang sasakyan ang isang insurance policy.
Sa pagkuha naman ng medical Certificate na dati ay secretary lamang ng Doktor ang nakakapagbigay ng medical certificate ngayon ay hindi na napepeke dahil sa bagong sistema.
Nawala na rin ang mga fixers sa kanilang tanggapan at hindi na tinatangkilik ng kanilang mga kliyente.
Maayos ang takbo ng transaction sa kanilang tanggapan sa ilalim ng digitalization ngunit kung minsan ay hindi maiiwasang nagtatagal dahil sa mabagal na internet connection.