--Ads--

Binigyang-diin ng Parole and Probation Office ang kahalagahan ng paggalang sa dignidad ng mga convicted offender sa kabila ng kanilang mga nagawang pagkakasala, upang matulungan silang magtiwala muli sa kanilang sarili at makapagsimulang muli.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pedro Almeda Jr., Chief Probation and Parole Officer, sinabi niyang maaaring maapektuhan ng stigma o negatibong pagtingin ng lipunan ang tiwala sa sarili at pagpapahalaga ng mga nahatulang indibidwal sa kanilang pagkatao.

Dahil dito, mahalagang matulungan silang maibalik ang kanilang dignidad at mabago ang pananaw sa kanilang sarili upang magkaroon ng pagkakataong magpatuloy sa pagbabago.

Sa ilalim ng sistema ng probation and parole, mahalaga ang rehabilitation, paggabay at suporta upang matulungan ang mga kwalipikadong nagkasala na makabalik sa komunidad at mamuhay nang maayos.

--Ads--

Layunin nitong mabigyan sila ng pagkakataong magbago at muling maging bahagi ng lipunan sa kabila ng kanilang nakaraang pagkakasala.