CAUAYAN CITY – Isasailalim sa Modular Learning ang ilang mga mag-aaral sa Lungsod ng Cauayan na apektado ng pag-apaw ng tubig sa Alicaocao Overflow Bridge.
Sa ngayon ay hindi pa rin madaanan ang tulay dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Cagayan River.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. John Mina, Punong Guro ng Cauayan City Stand Alone Senior High School, sinabi niya na distributed na ang mga modules sa mga mag-aaral kaya puwede silang mag-self learning kung sakali mang hindi sila makatawid sa nasabing tulay.
Sa tuwing tumataas ang antas ng tubig sa Alicaocao Overflow Bridge ay hindi na umano nila hinihikayat ang mga apektadong estudyante na pumasok dahil sa panganib na dala ng pagtawid sa ilog gamit ang bangka.
Gayunman ay hindi maiwasan na mayroon pa ring mga mag-aaral ang nagpipilit na pumasok kahit hindi na hindi passable ang tulay kaya naman nagbigay na sila ng mga modules para tuloy pa rin ang kanilang pagkatuto kahit hindi sila makadalo sa face-to-face classess.
Kaunti lang naman ang mga mag-aaral na mula sa East Tabacal Region at Forest Region kaya hindi na rin sila nagsususpinde ng klase dahil iilan lang naman umano ang apektado sa tuwing hindi madaanan ang tulay.