--Ads--

Nangako ang Department of Finance (DOF) na haharapin ang mga isyung na nakakaapekto sa paggawa ng mga proyektong pinondohan ng Asian Development Bank (ADB).

Ito ay matapos suriin ng 2024 Philippine Portfolio Review ng ADB ang performance ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr).

Tinukoy sa pagsusuri ang mga sistematikong isyu na nakakaapekto sa project performance, kabilang ang mga hamon sa right-of-way at budget.

Kasama sa mga nakalistang proyekto ang Integrated Flood Resilience and Adaptation Project (INFRA-1), Improving Growth Corridors in Mindanao Road Sector Project (IGCMRP), at ang Malolos-Clark Railway Project (MCRP).

--Ads--

Noong nakaraang linggo, inihayag ng ADB ang planong pagbibigay sa Pilipinas ng $24 bilyon na pautang sa pagitan ng 2024 at 2029 upang makatulong na mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa at mabigyang solusyon ang nagbabagong klima.