--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang vintaghe bomb ang natagpuan ng 6 na kabataang naliligo sa Ilog Cagayan sa Alicaocao, Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,sinabi ng isa sa mga batang si Mark na kasalukuyan silang naliligo sa ilog sa barangay Alicaocao nang isa sa kanila ang nakaapak ng isang sako at nagulat sila nang makitang bomba ang laman nito kaya dinala nila sa kanilang punong-barangay.

Mababaw lamang ang tubig kung saan nila natagpuan ang bombang nakasako na umaabot anya sa mahigit 3 kilo ng bigat at isang talampakan ang haba.

--Ads--

Noong una anya ay inakala ng mga bata na nakasakong bote ang kanilang nakita subalit nagulat sila nang makitang isang bomba.

Samantala, inihayag naman ni P/Senior Inspector Essem Galiza, Chief ng Women and Children’s Protection Desk ng Cauayan City Police Station na ang nasabing vintage bomb na ipinasakamay ng Punong-barangay ng Alicaocao sa kanila ay kanilang ring ipinasakamay sa pamunuan ng Ordnance Division ng Phil. Army.