--Ads--

Tiniyak ng Department of Health na masusing sinusubaybayan nila ang presyo ng mga gamot sa bansa kasabay ng krisis sa suplay ng langis dulot ng tensiyon sa Gitnang Silangan.

Ayon kay DOH Sec. Ted Herbosa, inaasahan ang posibleng epekto ng krisis sa iba’t ibang produkto dahil sa dagdag na gastos sa transportasyon at produksiyon. Lahat ng pangunahing produkto, kabilang ang gamot, pagkain, at damit, ay maaaring tumaas ang presyo dahil sa sitwasyon sa rehiyon.

Sa kabila ng banta ng pagtaas ng presyo, tiniyak ng kalihim na sapat ang suplay ng gamot sa bansa at walang dapat ikabahala ang publiko.

Ayon kay Herbosa, mayroong stockpile ang gobyerno na handa para sa mga ospital at mamamayan. Kasalukuyang may sapat pang suplay ng gamot at walang iniulat na kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan.

--Ads--