--Ads--

Mahigit ₱611 milyon na pondo na umano’y kinasangkutan sa mga kuwestiyonableng proyekto sa flood control ang nabawi ng Department of Justice (DOJ).

Sa isang press briefing nitong Martes, Marso 31, sinabi ni Justice Secretary Fredderick Vida na kabuuang ₱611,381,500 na pondong “allegedly stolen” ay naibalik sa DOJ at naideposito na sa pambansang tesoreriya.

Ayon kay DOJ Spokesperson Polo Martinez, ang halagang ito ay mula sa mga isinuko bilang restitution ng mga sangkot sa naturang anomalya, pati na rin mula sa mga na-freeze na ari-arian.

Ipinaliwanag ni Martinez na ang mga “assigned” assets na dating hawak ni Undersecretary Roberto Bernardo ay hindi agad na-liquidate noong nakumpiska, ngunit kalaunan ay sumailalim sa pormal na valuation upang maisama sa kabuuang halaga.

--Ads--