
CAUAYAN CITY – Bibigyan ng financial at livelihood assistance ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga Overseas Filipino Workers na iuuwi sa bansa ng pamahalaan mula sa Wuhan City at Hubei Province sa China.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Justice Secretary Silvestre Bello III na ang pag-repatriate sa mga Pinoy ay panganagsiwaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Health (DOH).
Ang trabaho aniya ng DOLE ay bigyan ng financial assistance ang mga OFW’s kung miyembro sila ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA).
Bibigyan sila ng livelihood assistance kung ayaw na nilang bumalik sa ibang bansa.
Samantala, nabanggit pa ni Atty. Bello na kahit may kaso ng novel coronavirus sa Hong Kong ay wala siyang ng natatanggap na mensahe na may mga OFW na gusto nang umuwi sa bansa.










