--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghahanda na ang Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 sa isasagawang Labor Day Job fair bukas, araw ng Lunes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chester Trinidad, tagapagsalita ng DOLE Region 2 sinabi niya na may inihanda silang tatlong venue sa lalawigan ng Isabela kabilang ang Robinsons Place Santiago, North Star Mall Ilagan at Municipal Covered Court ng Reina Mercedes, Isabela.

May anim na batch na posted job opening ang DOLE na umaabot sa 4,119 at 135 employers ang nagpahiwatig ng interest na lumahok sa Job Fair at inaasahang madadagdagan pa ngayong araw.

Puntirya ngayong taon ng DOLE Region 2 na mapunan ang 10% ng 4,119 job opening o katumbas ng 411 hired on the spot.

--Ads--

Ilan sa mga job vacancies ay nurses, midwife, Sales Associate kabilang ang sales assisatnt, HR officer, Accounting Manager, Sales Representative, Customer Service Representative, Cashier, Bagger, Physical therapist, delivery driver at may ilang bakante rin sa Manufacturing, retail and trade, Financial Social work, at Real estate.

Maliban sa labor day job fair ay magkakaron din ng one stop shop katuwang ang iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan tulad ng NBI, SSS, PAG-IBIG, TESDA at PSA.

Paalala naman niya sa mga makikiisa sa Labor Day job fair na siguruhing magdala ng resume at curriculum vitae.

Tiyakin din ng mga sasalang sa job interview na nakapag pre-register upang mas mapataas ang tiyansang ma-hire on the spot.

Tinig ni Chester Trinidad, tagapagsalita ng DOLE Region 2.