--Ads--

REGION 2 – Binigyang diin ng Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay o DOLE Region 2 na ang mga TUPAD beneficiaries na hindi nakakuha ng kanilang suweldo sa itinakdang araw ng pamamahagi ay mabibigyan ng tatlong buwang palugit upang ito ay kanilang makuha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong John Mark Narag ng Information unit ng DOLE Region 2 na mayroong panahon ng liquidation at kapag unliquidated pa ng LGU ay maari pa nilang makuha ngunit kapag na-liquidate na ng LGU ay hindi na nila matatanggap.

Kapag hindi  lumagpas ng tatlong buwan na hindi nakuha ang kanilang mga sahod ay dapat lamang na makuha nila ang kanilang TUPAD Wages.

Kailangan anyang makipag-ugnayan sa tanggapan ng DOLE ang mga hindi pa nakakakuha ng kanilang sahod at sila na ang makikipag-ugnayan sa mga LGUs.

--Ads--

Alam ng mga TUPAD Beneficiaries ang mga panuntunan sa pagkuha ng kanilang mga suweldo dahil isinailalim sila sa orientation.

Aalamin din nila ang dahilan kung bakit hindi nakadalo ang mga beneficiaries sa araw ng pay-out at kung makikitang valid ang dahilan ay maibibigay din sa kanila ang kanilang suweldo.

Ang qualifications upang maging TUPAD beneficiary ay kabilang sa mga displaced workers.