--Ads--

Inamin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 na una pa lang ay may mga napansin na silang depekto sa Cabagan-Sta. Maria Bridge bago pa man ito tuluyang bumagsak noong Marso.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni DPWH Region 2 Project Engineer Felipe Lingan na habang itinatayo pa lang ang tulay ay may mga cracks at depekto nang napansin kahit pa on-site naman ay naroon ang designer na nagsu-supervise at sinusunod ang plano.

Aniya, ini-report niya ito kaya nagsumite ulit ng revision ang designer at naghinala na siya na may design flaw talaga sa nasabing tulay.

Sinita ni Sen. Alan Peter Cayetano ang consultant na sumuri sa tulay at iginiit na kaya sila na-hire ay dahil maraming nakitang defects na dapat noon pa naisaayos.

--Ads--

Dismayado at napuna rin ng senador si dating DPWH Region 2 Regional Director Loreta Malaluan dahil panay ang sagot na hindi niya na maalala ang mga inaprubahan kaugnay sa tulay.