--Ads--

Inihayag ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na ang United Technology Consolidated Partnership (UTCP) at si Engr. Albert Cañete ang responsable sa pagdidisenyo ng Cabagan-Sta. Maria bridge at “wavy” flyover sa Iloilo.

“Engineer Albert Cañete, kasama ang mga kasosyo niya. Ang kumpanya ni Cañete ang pangunahing responsable. Sila ang gumawa ng disenyo,” sabi ni Bonoan sa isang interview noong Huwebes.

Kumpirmado rin ni Bonoan na ang UTCP at si Cañete ang nasa likod ng disenyo ng Ungka flyover, na isinara dalawang linggo matapos buksan dahil sa mga reklamo ukol sa mga depekto, kabilang na ang “wavy feel.”

Ang pagbagsak ng tulay ay nagdulot ng mga pag-aalala ukol sa mga kumpanya na sangkot, partikular na sa paulit-ulit na nabanggit na UTCP.

--Ads--

Aminado si Bonoan na ang kumpanya ay konektado rin sa isa pang proyekto na may mga depekto sa disenyo.

Pagdating sa pananagutan, sinabi ni Bonoan na magkakaroon ng mga pag-uusap ukol dito, at maaaring isalang ang blacklisting ng mga kumpanya na responsable sa malalaking “infrastructure failures”.

Tungkol naman sa Cabagan-Sta. Maria bridge, tiniyak ni Bonoan na ang gobyerno ay nag-iisip ng mga solusyon para sa mga kinakailangang pag-aayos.

“Umaasa kami na makakahanap ng paraan upang ayusin ang tulay sa lalong madaling panahon,” aniya, at idinagdag niyang hindi ito magiging suspension bridge.

“Magkakaroon ng mga pagbabago sa disenyo na kailangang isama. Hindi na po pwedeng suspension bridge. Pero dapat cable na,” paliwanag ni Bonoan.

Ipinahayag din niya ang kahandaang makaharap sa mga legislative inquiries at makipagkita kay dating DPWH Secretary Mark Villar kung kinakailangan.