--Ads--

CAUAYAN CITY- Mahigpit ngayon ang monitoring ng pamunuan ng Barangay Nungnungan II sa bypass road dahil sa madalas na maitalang aksidente sa lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Ceasar Bareng na minomonitor nila ang mga motoristang nagtutungo sa bypass road para mag- drag race subalit pa ulit- ulit silang nag tutungo doon para magkarera.

Mayroong mga pagkakataon na mismong kabarangay nila ang naaksidente dahil sa mabilis na pagpapatakbo sa bypass road.

Humingi na rin sila ng tulong sa pulisya para sa monitoring subalit sadyang mailap ang mga pasaway na drag racer.

--Ads--

Pinapaalalahanan niya ang mga magulang na may mga menor de edad na anak na nag mamaneho ng motorsiklo na subaybayan sila lalo at mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamaneho ng walang lisensya.