--Ads--

CAUAYAN CITY Tiwala si Governor Manuel Mamba ng Cagayan na maraming oportunidad ang magbubukas sa ikalawang rehiyon kapag naisakatuparan na ang dredging o paglilinis at pagpapalalim sa Cagayan River.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Governor Mamba, sinabi niya na ang isasagawang dredging sa Cagayan River ay makakatulong sa muling pagbubukas ng Port of Aparri at magbubukas din ito ng mga oportunidad sa trabaho.

Hindi naisagawa ang dredging sa mga nagdaang panahon dahil malaki ang kailangang pondo.

Hindi lang maiibsan ang problema sa pagbaha kundi muling mabubuksan ang rehiyon sa international trade kapag nabuksan ang Port of Aparri.

--Ads--

Ayon kay Gov. Mamba, hindi lamang para sa lalawigan ng Cagayan ang isasagawang dredging kundi makikinabang ang lahat ng mga taga-rehiyon dos kung mabubuksan ang Port of Aparri na matagal nang nakasara dahil hindi natutukan ng mga nagdaang administrasyon.

Dagdag pa ni Gov. Mamba na malaking pag-asa ang kanyang nakikita sa pagsasagawa ng dredging sa Cagayan River at hindi masasayang ang buhanging tatanggalin sa kahabaan ng ilog dahil maaari itong ibenta.

Ang pahayaga ni Gov. Manuel Mamba