--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ng mga otoridad ang isang driver dahil sa kasong statutory rape sa Purok 1, San Antonio Norte, Bambang, Nueva Vizcaya

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office ang naaresto ay tinaguriang No.3 Regional Most Wanted Person na si alyas “Sepong”, walang asawa at residente ng bayan ng Echague, Isabela para sa kasong apat na counts ng statutory rape.

Naaresto ang akusado sa pinagsanib na pwersa ng PNP Isabela at kapulisan ng Bambang Police Station sa bisa ng  Warrant of Arrest na inilabas noong June 13, 2024 na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa kasalukuyang nasa kustodiya ng Echague Police Station ang  suspek para dokyumentasyon at disposisyon bago iturn-over  sa korteng pinagmulan.

--Ads--