--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang lalaki matapos magpositibo sa isinagawang drug buy bust ng mga otoridad sa Brgy. Rizal, Saguday, Quirino.

Ang nahuli ay si Tonton, trenta’y sais anyos, binata, driver at residente ng Brgy. Maria Clara, Diffun, Quirino.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit isang gramo at nagkakahalaga ng 6,800 pesos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. William Agpalza ang Chief of Police ng Saguday Police Station sinabi niya na matagal nilang minanmanan ang lalaki bago nila naisagawa ang drug buy bust operation.

--Ads--

Aniya nanggagaling lamanG sa mga karatig lugar ang supply ng lalaki at inilalako niya ito sa kanilang lugar.

Itinuturing naman ang lalaki bilang isang street level individual.

Ang Saguday ay isang drug cleared municipality sa lalawigan ng Quirino.