--Ads--
CAUAYAN CITY – Isang lalaki ang hinuli ng mga kasapi ng Station 1 ng Santiago City Police Office dahil sa pag-iingat ng baril na walang lisensiya sa terminal ng bus at van sa Villasis, Santiago City.
Ang pinaghihinalaan ay si John Paul Palma, 27 anyos, binata, tsuper ng tricycle at residente ng Albano Street District 3, Cauayan City, Isabela ngunit pansamantalang naninirahan sa Purok 2, Buluarte, Santiago City.
Nahuli ang suspek makaraang isumbong ng concerned citizen na nagtataglay ng baril.
sa pagtugon ng pulisya ay nasamsam sa kanyang pag-iingat ang isang Cal. 9mm, walang serial number at mayroong anim na bala.
--Ads--
Ang suspek ay dinala sa Police Station one ng Santiago City Police Office para sa kaukulang pagsisiyasat at disposisyon.




