--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang tsuper habang dalawa ang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa barangay Sta. Isabel Sur, Ilagan City

Ang mga sangkot sa aksidente ay sina Reymark Gomez, 25 anyos, binata, magsasaka, at si Alexander Catumbong, nasa tamang edad, may asawa, residente ng Sta. Isabel Norte.

Sa pagsisiyasat ng Ilagan City Police Station, binabagtas dalawang sangkot sa aksidente sakay ng kanilang mga motorsiklo ang kahabaan ng daan sa bahagi ng Santa Isabel Sur nang hindi nila napansin ang pagkurbang bahagi ng lansangan dahilan ng kanilang salpukan.

Agad na namatay si Alexander Catumbong habang sugatan sa ibat ibang bahagi ng katawan si Reymark Gomez at kanyang kaangkas na nilalapatan ng lunas sa ospital.

--Ads--

Nasa impluwensiya umano ng nakakalasing na inumin si Gomez.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Gomez.